Kapag narinig mo ang bandang ito, unang papasok sa utak mo ang palabas sa tv noon na bioman. Hindi po sila ang gumanap sa mga yun (paanong magkakaroon ng babae sa bandang ito? Well, gawing bakla ang 2 sa miyembro nito! Hahaha!)

Eto po mga kapatid ang bandang giniling festival. Matagal ko nang narinig ang grupong ito. Pati ang kantang psycho.. ngayon, nasa ilalim sila ng terno recordings (ang record outfit na nagdala sa inyo ng mga grupo tulad ng orange and lemons, radioactive sago project, up dharma down, drip, Juan pablo dream ang ilan lamang sa kanila) sa wakas, matapos ng mahabang panahon ng paghihintay, nailabas na ang kanilang debut album. Masasabi ko?

Isipin nyo ang kakulitan ng lyrics ng parokya ni edgar tapos idagdag nyo ang kakulitan ng kamikazee. Hindi ko naman sinasabi na produkto ng 2 bandang ito ang grupong giniling festival. May kakaibang tunog ang mga to. Rakrakan at ingay mula simula hanggang huli. Maingay na tunog, pero kwelang lyrics.

Sisimulan ng listahan ng kanilang album ang kantang psycho. Tungkol sa isang babae na sobrang sadista. Psycho ika nga. “kagat ng aso, sipang kabayo..” sakit diba? Heheh! Susundan ito ng kantang holdap… tungkol sa? Saan pa ba? Holdap? Hehehe! Andyan din ang tsong, boypren mo pokpok, hari ng metal, sirang plaka, at ang sa tingin ko eh isa sa mga slower songs at highlight ng album na ito eh ang kantang “Letter to Angelina jolie” hanep sa lyrics. Ikaw? “payag ka, girlfriend mo si Angelina jolie… pero ulo mo munggo.” Ang pinakamatinding dares na ata dito eh yung “payag ka, pero wiwi mo ma blade” saka “payag ka, pero dati siyang tatay mo” kulet ng lyrics…

Andyan din ang kantang dodo, mcjolly (na piniratang kainan ng 2 kilalang fastfood chains sa pilipinas) siling giniling, barbero, bano, at para isara ang album. Ang kantang mabuhay ang lahat ng single. Natawa lang ako sa kantang ito kasi sa dulo eh may kakaibang paraan bago matapos ang pag-ikot ng cd na ito.

Pero take note: kung kayo ay fan talaga ng bandang ito, mag-eenjoy kayo. Pero sa mga bagong makikinig, mangangailangan kayo ng konting panahon bago maunawaan ang bagsakan ng tugtugan nila. Kung gusto nyo ng panandaliang aliw, (hindi yung iniisip ninyo, bastos! Hehehe) bili na kayo ng giniling…. Giniling festival!

Possible future singles:

  • Letter to Angelina jolie
  • Siling giniling
  • McJolly

Overall Rating:

B